Higit 500 kilo ng ‘botcha’ nakumpiska sa Divisoria
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Muling nakakumpiska ang mga awtoridad ng mahigit 532 kilo ng ‘hot meat’ o botcha sa Divisoria, Maynila.

Ayon sa Manila Veterinary Inspection Board, nasabat ang mga ‘botcha’ sa ikinasang surprise inspection sa Elcano Street. Umaabot sa P80,000 ang halaga ng mga nakum­piskang ‘hot meat’.

Kinatay ang nasabing mga karne sa hindi accredited na meat establishments.

Dahil dito, posibleng hindi ito ligtas bilhin at kainin.

Kasabay nito, nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa publiko na maging mapanuri sa kanilang binibili.

Patuloy din ang apela ng alkalde sa publiko na ituloy lang ang pagre-report ng mga ganitong uri ng ilegal na gawain.

 

DIVISORIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with