Kinukuwestiyon ng Makati City police ang suspect na si Gerald Reparip na humalay at pumatay sa isang taong gulang na batang lalaki.
Photo buhat kay Nicko Talavera, PUP Intern
1 year-old boy hinalay, pinatay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay na nang ma-tag­puan kung saan nakitaan pa ng senyales na pinagsamantalahan ang isang taong gulang na batang lalaki na una nang iniulat na nawawala sa Brgy.  San Antonio, Ma­­kati City kahapon ng madaling araw.

Agad namang na-dakip ng mga tauhan ng Makati City Police ang suspek na si Ge-rald Reparip, 28-anyos, construction worker.

Ayon sa pulisya, unang naiulat ang pagkawala ng paslit alas-8 ng gabi Martes.

Wala na umanong damit at diaper ang bata nang makita ang katawan nito sa isang abandonadong gusali sa nabanggit na lugar.

Agad dinala ang sanggol sa Sta. Ana Hospital pero idineklara rin itong dead-on-arrival.

Nang suriin ng pu­lisya ang bangkay, pinaniniwalaang ginahasa ang biktima dahil sa nakitang specimen sa puwitan nito. Sinabi pa sa report na nagta­mo rin ng hematoma sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang bata.

Sa imbestigasyon, nagseselebra ng ka­arawan ang lolo ng biktima at nagpainom sa ikalawang palapag ng abandonadong gusali sa Yakal Street kung saan caretaker sila nito at isa sa bisita ang suspek na si Reparip.

Makalipas ang ilang oras, napansin ng mga kaanak na nawawala ang paslit. Dito hinanap ang biktima hanggang sa natagpuan na wala nang buhay sa ikapitong pa­lapag ng gusali dakong alas-12:30 ng madaling araw.

 Itinuro ng ilang sak- si na si Reparip ang hu-ling nakitang may karga sa biktima na binilhan pa niya ng pagkain sa katapat na tindahan.

Dito inaresto ng mga pulis si Reparip na kinalaunan ay umamin sa kanyang kasalanan.   Sinabi niya na ipinasok niya ang kanyang ari sa puwitan ng bata at dulot nang pag-iyak ay sinakal niya ito. Hindi umano niya namalayan ang kanyang ginaga-wa dulot umano ng sob­rang kalasingan.

Humingi naman si Reparip ng patawad sa mga kaanak ng sanggol ngunit isang malakas na suntok ang ibinigay ng 19-anyos na ama ng biktima sa kanya.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with