Inoobserbahan nga­yon ng mga mangga-gamot sa Manila Central University Hospital ang biktimang naki-la­lang si Juan Miguel Garcia, 23, residente ng Caloocan City.
Call center agent, kritikal sa saksak ng binatilyo
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kon­disyon ang isang call center agent makaraang saksakin sa dibdib ng isang menor-de-edad na kanyang nakatalo sa loob ng isang pampasaherong bus sa Caloocan City, ka­makalawa ng hapon.

Inoobserbahan nga­yon ng mga mangga-gamot sa Manila Central University Hospital ang biktimang naki-la­lang si Juan Miguel Garcia, 23, residente ng Caloocan City.    

Naaresto ng mga pulis at nasa kustodiya ngayon ng City Social Welfare and Development Office ang 17-anyos na suspek.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente sa loob ng isang bus na bumabagtas sa may EDSA southbound malapit sa may Benin Street sa Brgy. 86, ng naturang lungsod.

Kasama ng biktima ang kaibigan na si Ri-chard John Ocampo nang biglang magkaro­on ng pagtatalo sa pagitan niya at ng binatil­yong suspek. Nauwi ang pagtatalo sa suntukan ngunit armado pala ng patalim ang binatilyo na siyang ginamit para saksakin si Garcia sa dibdib.

Agad na bumaba ng naturang bus ang binatilyo ngunit nadakip din naman siya ng mga rumespondeng pulis na nagpapatrulya sa lugar at narekober ang pata-lim na kanyang ginamit.

Hindi pa malinaw kung ano ang pinagmu­lan ng iringan ng biktima at suspect.

STABBING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with