7 tauhan ng internet provider, inararo ng dump truck: 1 patay
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa ang patay ha­bang anim pa ang na-sugatan nang salpukin  ng isang dump truck na nawalan ng kontrol ang pitong tauhan ng isang internet provider habang nagkakabit ng kable sa gitna ng kalsada sa Brgy. Wack-wack, Mandaluyong City kamakalawa.

Nakilala ang nasa-wi na si Jayzel Arada, 28, internet installer ng Source Telecommu­ni­cation Company, na nagtamo ng matinding pin­sala sa ulo at katawan, habang sugatan naman ang kanyang mga kasamahang sina Joseph Broñola, 27, na nagtamo ng bone collar fracture; Julius Miranda, 30, na nagka-fracture sa sakong; Jonard Broñola, 24; at sina Rolly Balberan, 27; Rene Deus Reyes, 26; at Leo Amora, 51, na pawang nagtamo ng sugat sa kanilang ulo.

Samantala, tumakas naman at tinutugis na ng mga awtoridad ang driver ng dump truck na nakilalang si Raul Petervo, na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries.

Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa eastbound ng Orti­gas Avenue, malapit sa tanggapan ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA), sa Brgy. Wack Wack.

Kita sa kuha ng CCTV na bago ang in­sidente ay nagkakabit ng kable ng internet ang mga biktima sa gitna ng Ortigas Ave­nue nang bigla na lang silang araruhin ng dump truck, na minamaneho ni Petervo.

Binabagtas umano ng dump truck ang basang kalsada ng Ortigas Avenue patu­ngong EDSA nang pag­sapit sa pababang bahagi ng kalsada ay tila nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng sasakyan kaya’t nag- ­pagewang-gewang ang takbo nito hanggang sa salpukin ang mga nagtatrabahong biktima.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with