Bantay Bayan, 9 pa nalambat sa ilegal na droga
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga tauhan ng Makati City Police ang 10 katao na dawit sa ilegal na droga   sa ikinasang operasyon sa isang drug den, kama­kalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Nakilala ang mga na-dakip na ‘tulak’ na sina Mark Lester Periña, 37, miyembro ng Bantay Bayan ng Brgy. Gudalupe Viejo;  Maribeth Orbigo-so, alyas Mabeth, 35; Ro­mel Casabol, alyas Noynoy, 37 at si Jay-Ar Henry Padilla, 31.

Ang mga nadakip naman na drug users ay sina Allan Villanueva, alyas “Baho”, 33; Jomar Camacho, 36; Allan Caparanga, 38; Erwino Aligato, 41; Lilibeth Valentin, alyas Ibay, 49 at Edgar Villarin, alyas Bong, 56.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:45 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit sa Laperal Compound sa Bernardino Street, Brgy. Guadalupe Viejo.  Na­gawang makipagtransaksyon ng poseur buyer sa suspek na si Periña na nag-alok ng P1,000 halaga ng shabu.

Nang maisaka­tu­pa-ran ang bentahan, dito na sumenyas ang buyer at sumulpot na ang mga pulis dahilan para ma-lambat ang 10 suspek.

Nakumpiska ng mga pulis ang nasa P57,000 halaga ng shabu, P500 marked money at mga drug paraphernalia.

BANTAY BAYAN ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with