^

Metro

2 patay sa holdapan sa ‘Ukay-ukay’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 patay sa holdapan sa �Ukay-ukay�
Kinilala ng Taguig City Police ang mga nasawi na sina Girlie Gacer, 49, negosyante at live-in partner niya na si Marlo Landreza, 54, empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

MANILA, Philippines — Patay ang ­mag-live-in partner na may negos­yong ukay-ukay makaraang pagbabarilin ng dalawang armado na nanloob sa isang tindahan sa Taguig City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ng Taguig City Police ang mga nasawi na sina Girlie Gacer, 49, negosyante at live-in partner niya na si Marlo Landreza, 54, empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

 Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:10 ng gabi sa loob ng Ukay-ukay and Variety Store sa  Maharlika Road, Brgy. Upper Bicutan, ng naturang lungsod.

Biglang pumasok sa loob ng tindahan ang dalawang lalaki na nagdeklara ng holdap.  Isa sa salarin ang lumapit kay Gacer na siyang may-ari ng tindahan at pilit na inagaw ang kanyang bag. Posible umanong nakipag-agawan ang biktima kaya siya binaril ng mga salarin.

Nadamay din dito si Landreza nang pagbabarilin rin ng mga salarin makaraang tangkaing saklolohan ang kanyang kinakasama.

Nakuhanan ng closed-circuit television ng barangay ang dalawang suspek na papunta sa direksiyon ng Sitio Imelda Street, bitbit ang sling bag ni Gacer sa kanilang pagtakas.

vuukle comment

UKAY-UKAY CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with