14 opisyal ng NCMH kinasuhan ng NBI
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pormal nang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman ang kasong kriminal laban sa 14 na  mga dati at kasalukuyang opisyal ng National Center for Mental Health (NCMH) dahil sa maanomalyang construction project na nagkakahalaga ng P60 milyon.

Pinangalanan ni  NBI Deputy Director Vicente De Guzman III  ang mga kinasuhan  na sina retired medical center chief Dr. Bernardino Vicente; clinical center chief Dr. Bever­ly Azucena; chief admi­nistrative officer Clarita Avila; finance service chief Dionisio Tolentino; chief accountant Dilce Valerio; budget section head Godofredo Valles; engineering section chief Esteban Gamurot at assistant chief Darwin Pastor; Bids and Awards Committee (BAC) chairperson Dr. Julien Guiang at mga miyembro nitong sina Dr. Evelyn Belen at Peñafracia Gladys Domingo; technical working group member Arturo Salcedo; administrative officer Gilbert Naval; at Octant Builders president Rowena Manzano.

Sa reklamo nito, inirekomenda ni De Guzman na makasuhan ang 14   sa paglabag sa Section 3 (e) of Republic Act 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act; malversation of public funds in violation of Presidential Decree 1445; at falsification of documents in violation of the Revised Penal Code (RPC); at serious dishonesty.

Nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ni NCMH chief Dr. Roland Cortez sa ginagawang Pavilion 6-Extension.

Dapat aniya ay diniskwalipika ng NCMH ang Octant Builders noong bidding process ng proyekto dahil ang tax clearance na isinumite ay pagmamay-ari ni Rowena Manzano (Little Lemon Children Warehouse) at hindi ng Octant Builders.

Nakatanggap umano ang Octant ng buong bayad sa proyekto kahit hindi pa ito tapos.

“Despite the irregularities, the project was awarded to Octant ­Builders, and the latter was subsequently paid, despite lacking documents to support the Disbursement vouchers,” pahayag ng NBI.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with