^

Metro

2 tauhan ng towing company, tiklo sa kotong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak sa kulungan ang dalawang tauhan ng isang towing company makaraang tangkaing kotongan ang isang negosyante nang tangayin ang kanyang tumirik na van, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery extortion ang mga suspek na sina JR Torres, 24, driver,  at Mila Pao-Alonte, 39.  Pinaghahanap pa ang mga kasabwat na sina Alexander Almillo at Jon Norman Abrencillo.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-3 kama­kalawa ng hapon nang tumirik ang isang L300 FB van sa kanto ng Gen. Mascardo St. at EDSA sa Brgy. 140, Caloocan habang minamaneho ni Richard Valila kasama ang kanyang pahinante na si Vincent Hepolito, 21. 

Itinulak ng dalawa ang behikulo sa gilid ng kalsada hanggang sa madaanan sila ng isang Elf tow truck na may body number 333 at puwersahan na hinatak ang sasakyan patungo sa A. Bonifacio sa Quezon City.

Tinawagan ni Valila ang kanyang amo na si Jenny Cabe, 42, na nakipag-usap sa mga nag-tow sa kanyang behikulo hanggang sa magkasundo na magbabayad siya ng P4,000 para maibalik ang van sa Mascardo Street.

Lingid sa  kaalaman ng mga tauhan ng tow truck, humingi na ng tulong sa Police Community Precinct 1 si Cabe kaya naikasa ang entrapment operation.  Arestado sina Torres at Pao-Alonte nang tumanggap ng apat na tig-P1,000 marked money buhat kay Cabe.

vuukle comment

ARRESTED FOR ROBBERY EXTORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with