Magulang ng mga palaboy, solvent boys kakasuhan
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Huwag n’yong isoga ang inyong mga anak dahil kakasuhan ko kayo.”

Ito ang babala ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga  magulang ng mga palaboy at solvent boys na nasa Maynila.

Ayon kay Moreno, alam niyang  kadalasang nangyayari na mismong ang mga magulang pa ang nag-uutos sa kanilang mga anak na magpalaboy, mamalimos at mag-solvent.

Ani  Moreno, kakausapin niya ng masinsinan ang mga magulang ng mga palaboy at solvent boys at hahanapan niya ng paraan upang papanagutin at kasuhan ang mga ito.

Sa ngayon aniya, patuloy ang pag-rescue ng Manila Social Welfare Department sa mga palaboy at  solvent boys kasabay ng paglilinis ng kalsada mula sa.mga vendors.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with