Dead on the spot sina Reynaldo Caguioa, 53, cons­truction worker at Juanito Baful 49, tricycle driver, sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.
2 nasa drug watchlist, tinodas
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bulagta ang dalawang  lalaki na nasa drug watchlist ng pulisya  matapos na barilin ng hindi pa nakilalang mga suspek habang nakatambay ang mga ito sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling araw. 

Dead on the spot sina Reynaldo Caguioa, 53, cons­truction worker at Juanito Baful 49, tricycle driver, sanhi ng tinamong mga  tama ng bala ng baril sa katawan. 

Inaalam na ng awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga suspek na lulan ng itim na SUV na hindi naplakahan at mabilis na tumakas matapos ang insidente 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-2:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa Quezon Boulevard sa panulukan ng Leena St. Sampaloc Maynila sa Brgy. 464.

Nabatid na nakatayo ang dalawang nasawi sa nasabing lugar nang lapitan ng mga suspek na  lulan ng SUV at walang sabi -sabing pinaputukan ng bala ng baril ang mga ito. 

DRUG WATCHLIST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with