^

Metro

Ginang lasog sa motorsiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay  ang isang ginang makaraang mabundol ng isang motorsiklo habang sugatan din ang dalawa sa tatlong sakay nito dahil sa pagsemplang, kahapon ng madaling araw sa  Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center ang 48-anyos na si Capitolina Bejerano, isang kasambahay at nakatira sa Abbey Road 11, Brgy. 73 ng naturang lungsod.

Isinugod din sa naturang ospital ang mga sakay ng motorsiklo na sina Robert Ylanan, 23, bakery helper at si Romualdo Zabala, 19, at kapwa residente ng Brgy. 74, sa pareho ring lungsod habang hindi naman nagtamo ng pinsala ang nagmamaneho na si Jomar Arresgado, 19.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:20 ng madaling araw sa kahabaan ng Heroes Del 96 St. sa Brgy. 73.  Minamaneho ni Arresgado ang isang Honda motorcycle at angkas sina Ylanan at Zabala nang sumagi sa likuran ng isang nakaparadang tricycle.

Dito nawalan ng kontrol si Arresgado dahilan para mabundol si Bejerano na naglalakad sa kalsada hanggang sa sumemplang at nagresulta ng pinsala sa kanyang dalawang angkas.

Nasa kustodiya naman ng Caloocan City Police-Detention Center si Arresgado na nahaharap ngayon sa kasong homicide at physical injuries through reckless imprudence sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with