Bebot na ‘kolektor’ sa vendors sa Divisoria, tiklo
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nangangamba si Manila Mayor Isko Moreno na muling sumiklab ang tribal war sa pagitan ng mga  vendors sa Divisoria dahil sa puwesto at koleksyon sa naturang lugar.

Nabatid na hanggang ngayon  ay namamayagpag pa ang pangongolekta sa mga vendors kahit pa mahigpit ang kanyang kautusan na itigil na ang pangongolekta sa mga manininda. 

Kahapon, iprinisinta ni Isko ang isang kolektor na nahuli ng Special Mayors Action Team (Smart) matapos na beripikahin ang reklamo ng isang netizen.

Inamin ng suspek na si Melanie dela Cruz, na anim na puwesto ang kanyang pinauupahan na kinokolek­tahan ng tig-P500 bilang renta sa puwestong kanilang pinagtitindahan.

Napag-alaman na isang alyas Carol Bakulaw ang nagsisilbing biggest organizer ng mga vendors, at ito rin ang sinasabing nanunuhol kay Isko ng P5 milyon kada araw para lamang itigil ng alkalde ang paglilinis sa mga vendors.

Matatandaang limang katao na nagsisilbing kolektor sa Divisoria ang pinatay na at ayon sa kanyang impormasyon ang mga kolektor ay nagkakanya-kanya na ng partihan sa perang nakokolek­ta.

ISKO MORENO TRIBAL WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with