Ayon kay Moreno, malaki ang maitutulong ng KADIWA sa kanyang layunin na mabawasan ang basura sa lungsod. Aniya sa kanyang programa, ihihiwalay ng mga residente ang plastic, karton at bote sa mga nabubulok na basura.
Edd Gumban
KADIWA, Metroaide bubuhayin ni Mayor Isko
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kaalinsabay ng layunin na muling mabigyan ng kaginhawaan ang mga Manilenyo, ibabalik ni Mayor Mayor Isko Moreno ang KADIWA at ang Metroaide sa lungsod.

Ayon kay Moreno, malaki ang maitutulong ng KADIWA sa kanyang layunin na  mabawasan ang basura sa lungsod. Aniya sa kanyang programa, ihihiwalay ng mga residente ang plastic, karton at bote sa mga nabubulok na basura.

Dito ay bibilhin ng city government sa pamamagitan ng KADIWA at papalitan ng kupon na may kapalit na point na may katumbas namang pagkain. Maaari itong bigas, asukal at kape.

Sinabi ni Moreno na tiyak nang may kakainin sa araw-araw ang bawat residente ng lungsod bukod pa sa nababawasan ang mga hahakuting basura.

Tiniyak din ni Moreno na magiging malinis na rin ang bawat kalye sa Maynila dahil muling ipakakalat ang Metroaide na simula pa lamang ay magwawalis na sa mga kalsada. Dito ay agad na nadadakot ang mga basura at hindi magbabara pa sa mga kanal.

Ang KADIWA at Metroaide ay ipinatupad noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with