Estudyante tiklo sa droga
Robertzon Ramirez (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 21 anyos na estud­yante ng Arellano University sa Barangay Caniogan, Pasig City ang nadakip kamakalawa ng hapon makaraang makuhanan ng ilang sachet ng bawal na gamot sa pagpasok niya sa pamantasan, ayon sa isang opisyal kahapon.

Sinabi ni Police Corporal Alvin Go ng Pasig City Police Station na ilang sachet ng marijuana ang umano’y nahulog sa semento mula sa bulsa ni Reyvin John dela Vega nang hugutin niya ang kanyang panyo makaraang dumaan sa guwardiya ng eskuwelahan.

Sinabi pa ni Go na sumailalim si dela Vega sa booking procedure at medical examination bago ikinulong sa Pasig City Police Station dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002 o Republic Act 9165.

Wala pang ipinalalabas na pahayag ang eskuwelahan habang isinusulat ito.

Samantala, sa ibang kaganapan, naaresto sa isang drug sting sina Archie Agacer, 35, ng Barangay West Rembo, Makati City at tiyuhin niyang si Fernando, 50, makaraang makuhanan ng P30,000 halaga ng shabu kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Makati City Police Chief Col. Rogelio Simon na ilang linggo na silang nagsasagawa ng anti-illegal drug operation laban kay Agacer makaraang makatanggap sila ng report sa umano’y iligal na gawain sa droga ng mga suspek sa lunsod bukod sa ang mga ito ay nasa drug watchlist din ng Philippine National Police.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Makati City Police Station dahil sa paglabag sa RA 9165.

ARRESTED ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with