Samantala, kaugnay nito pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kasong obstruction of justice laban sa mga security guard ng Metrobank dahil sa hindi agad pagpapapasok sa mga pulis na mag- iimbestiga sa naganap na panghoholdap.
Russell Palma
Anggulo na ‘inside job’ tinututukan: Kasong obstruction of justice tinitignan
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinokonsidera ng Manila Police District ang anggulo na ‘inside job’ sa panloloob sa Metrobank Sto. Cristo branch sa Tondo Maynila, kamakalawa ng umaga.

Samantala, kaugnay nito pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kasong obstruction of justice laban sa mga security guard ng Metrobank dahil sa hindi agad pagpapapasok sa mga pulis na mag- iimbestiga sa naganap na panghoholdap.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na bagamat lahat ng anggulo ay tinitignan ngayon ng Manila Police District dahil kabilang nga ang anggulo ng ‘inside job’ na planado ang lahat ng kilos ng limang suspek.

Nagtataka rin si Moreno kung bakit mabilis na natanggal ng mga suspek ang CCTV sa loob ng banko kaya’t walang basehan ang mga awtoridad kung ano ang tunay na nangyari.

Hanggang sa ngayon ay kinukunan pa ng affidavit ng MPD ang bank manager, mga empleyado at security guards.

Kahapon ay iprinisinta ni Manila Police District Director Brig. Gen. Vicente Danao ang chronology of events ng robbery hold up. Nabatid na tumagal lamang ng halos 30 minutes ang panloloob sa banko.

Sa naturang video, nakita ang pagiging kampante ng mga suspek matapos na lumabas hanggang sa sumakay ng motorsiklo at magsitakas.

Maging ang mga fingerprints sa salamin ng banko ay tampered na rin.

Sinabi naman ni PNP Chief Oscar Albayalde, na kapag may nangyayari sa isang lugar ay dapat itong ikonsiderang crime scene at dapat makapasok ng mabilis ang mga imbestigador.

Ang reaksyon ni Alba­yalde ay bunsod sa paha­yag ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Vicente Danao Jr. na hindi kaagad pinapasok ang mga nag­respondeng pulis ng Metrobank Santo Cristo Branch para mag-imbestiga. (Dagdag report ni Gemma Garcia)

METROBANK STO. CRISTO BRANCH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with