‘Special child’ ginahasa ng bading
Binayaran ng p100
MANILA, Philippines — Isangdaang piso ang naging kapalit sa panggagahasa ng isang bakla sa isang 11-anyos na totoy na isang special child na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Nahaharap ngayon sa mga kasong rape at child abuse ang suspek na kinilalang si Yuri Manalon Padilla, 32, isang mananahi at nakatira sa Abucay Street, Malinta, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Women’s and Children’s Desk ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente ng panggagahasa dakong alas-3:49 ng hapon sa likuran ng Tierra Santa Cemetery sa NLEX Service Road, Brgy. Maysan, ng naturang lungsod.
Nabatid na mag-isang naglalakad ang biktima sa may Brgy. Karuhatan nang lapitan ng suspek at yayain sa likod ng sementeryo. Dito sekswal na inabuso ng suspek ang bata nang ipasubo ang kanyang ari. Hindi pa nakuntento, ipinasok din ng suspek ang kanyang ari sa puwitan ng paslit.
Matapos ito ay binigyan ng P100 ng suspek ang paslit. Nagawang makatakbo ng biktima ngunit hinabol at inabutan siya ng suspek saka sinuntok sa mukha bago siya iniwan.
Nang makauwi sa bahay, agad na isinumbong ng biktima ang pangyayari sa kanyang ina na humingi naman ng saklolo sa mga tauhan ng Police Community Precinct 4. Alas-3 kamakalawa ng hapon nang madakip sa follow-up operation ng mga pulis si Padilla na nakaistambay sa harap ng isang fastfood sa Valenzuela City Town Center.
Nakumpiska sa suspek ang isang cellular phone na naka-save pa ang mga larawan ng biktima na kasama siya. Gagamitin itong ebidensya ng mga pulis sa isinampang mga kaso laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
- Latest