Nadiskubre sa DHL warehouse ang 35 piraso ng imported rifle parts mula sa Hong Kong na idineklarang general merchandise maging ang 1 Glock pistol, 4 units ng Glock magazines at 92 piraso ng live ammunitions na idineklarang “new water pump” at dadalhin sana sa Taiwan.
Rudy Santos
Bala, baril nasabat ng BOC
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs District Office sa tatlong araw  ang mga bala at baril sa  isang warehouse sa Pasay City.

Nadiskubre sa DHL warehouse ang 35 piraso ng imported rifle parts mula sa Hong Kong na idineklarang general merchandise maging ang 1 Glock pistol, 4 units ng Glock magazines at 92 piraso ng live ammunitions na idineklarang “new water pump” at dadalhin sana sa Taiwan.

Sa nasabing warehouse rin nakumpiska ang isang airgun rifle at apat na piraso ng airgun accessories at gun parts na mula sa China.

Nakumpiska ang mga ito sa magkakaibang petsa na Hulyo 1, Hulyo 4 at Hulyo 7.

Sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Act, kukumpiskahin ang mga pag-import at pag-export ng mga baril, gun parts at ammunition kung walang kaukulang clearance mula sa gobyerno.

BUREAU OF CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with