Pulis na nanakit ng 8-anyos, sinibak
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinibak na sa puwesto ang isang  pulis na nakatalaga sa Eastern Police District (EPD)  na  sangkot sa pananakit  sa isang 8-anyos na batang lalaki sa Pasig City.

Sinabi  ni NCRPO Director Police Major Gen. Guillermo Eleazar na ipinag-utos na niya ang pagsibak sa posisyon kay P/Staff Sergeant Nicolas Lapie Jr., nakatalaga sa Marikina City Police matapos na makarating sa kanya ang ulat  hinggil sa nangyaring insidente sa Brgy. Bambang, Pasig City kamakalawa.

Base sa imbestigasyon,bandang alas-7:56 ng gabi kamakalawa habang nanonood ang biktima ng basketball game sa covered court ng Brgy. Bambang nang duma­ting si Lapie , sinakal at sinimulang bugbugin ang walang kalaban-labang  bata.

Tinangka naman ng paslit na tumakbo sa matinding takot pero hinila ang mga kamay nito ng suspek kung saan dahilan sa komosyon ay napilitan na ang mga tao sa lugar na sawayin ang nasabing pulis at sagipin ang biktima.

Nagresponde naman ang mga operatiba ng pulisya na dinala si Lapie at ang biktima sa Women and Children Protection Division (WCPD) para sa kaukulang disposisyon.

Nahaharap ngayon ang abusadong parak sa kasong physical injury  sa ilalim ng Republic Act 7610 o ang Violence Against Women and Children.

EASTERN POLICE DISTRICT NICOLAS LAPIE JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with