1.2- milyong ‘pasaway’ nadampot sa Metro Manila
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2019 - 12:00am

Sa loob ng isang taon

MANILA, Philippines — Halos 1.2-milyong indibidwal na lumabag sa iba’t-ibang ordinansa sa Metro Manila ang nadampot ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCCPO) sapul nang palakasin ang kampanya kontra sa mga pasaway sa kalsada mula noong nakaraang taon.

Sa datos ng NCRPO Public Information Office, nasa 1,191,090 ang kabuuang nadampot nila magmula noong Hunyo 13, 2018 nang magbigay ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga kalsada sa mga pasaway hanggang nitong Hulyo 5.

Sinabi ni NCRPO Director, P/Major General Guillermo Eleazar na patunay ito na hindi ‘ningas cogon’ ang ginawa nilang kampanya para matulungan ang mga lokal na pamahalan na maipatupad ang kanilang mga ordinansa upang higit na maging ligtas ang Kamaynilaan.

Pinakamaraming nadam­pot ang mga lumabag sa smoking ban sa kabuuang 277,048 o 23.6 porsyento ng mga inaresto.

Sumunod dito ang mga lumabag sa curfew hours na may 74,547 o 6.26 porsyento.  Isinusuko naman ang mga dinadampot na kabataan at sinisermonan ang mga magulang ng mga pulis dahil sa kabiguan na disiplinahin ang kanilang mga anak.

Marami rin ang nahuli na walang damit pang-itaas sa bilang na 63,844 o 5.36 porsyento; pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar na may 54,223 o 4.55 pors­yento habang ang 721,428 katao o 60.57 porsyento ay buhat sa iba pang mga ordinansa.

Pinakamataas ang  bilang ng huli ng Quezon City Police District na nakapagtala ng 644,335 o 54.10 porsyento ng mga nahuling violators habang nahuhuli naman ang Southern Police District (SPD) na mayroon lamang 69,621 nadakip o nasa mababang 5.85 porsyento.

METRO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with