Sanhi ng food poisoning sa birthday ni Imelda, ‘di pa tukoy

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa mga pagkaing inihain sa kaarawan ni dating Unang Ginang Imel­da Marcos noong Hul­yo 3 sa Pasig City, upang matukoy kung ano ang sanhi ng pagkalason ng nasa 261 bisita, ayon sa Department of Health (DOH).

 Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hinihintay pa nila ang magiging resulta ng imbestigasyon upang matiyak kung sino ang may pananagutan.

“Hihintayin muna natin ang resulta ng magiging imbestigasyon. Mahirap naman kung maniwala tayo agad sa mga sabi-sabi lamang,” anang kalihim.

 Sa tinatayang aabot sa 2,500 na bisita sa ginanap na selebrasyon sa ika-90 kaarawan ng dating Unang Ginang, umabot sa 261 ang naiulat na sumakit ang tiyan, nagsuka, nahilo   kaya isinugod sa iba’t ibang ospital.

Nabatid na ang nakain ng mga bisita ay packed lunch na naglalaman ng kanin at adobong manok na may halong itlog. May ipinamigay ding tubig kaya’t ang mga ito ang inaalam kung alin ang naging dahilan.

 Una nang pinaghina­laan na ang malasadong itlog ang naging dahilan ng food poisoning dahil sa anumang lamat o basag sa shell ng itlog ay maa­ring pasukin ng iba’t ibang uri ng mikrobyo na hindi namamatay kapag hindi sapat ang init gaya ng malasadong pagkakaluto.

Sanhi ng food poisoning sa birthday ni Imelda, ‘di pa tukoy

Ludy Bermudo

FOOD POISONING
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with