UE kinastigo ni Mayor Isko
Hindi sumunod sa class suspension
MANILA, Philippines — Kung ayaw ninyong sumunod umalis kayo sa Maynila at tatanggalan ko kayo ng permit.
Ito ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno matapos umanong balewalain ng University of the East ang kanyang suspensyon sa klase sa lahat ng antas sa lungsod dakong alas-10 ng umaga.
Ayon kay Moreno, kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante at mga magulang ang kanilang inaalala.
Paliwanag pa nito, tanghali sila nasuspinde ng klase dahil walang advisory ang PAGASA noong umaga na magla-landfall ang bagyong Egay.
Nagdesisyon siyang isuspinde ang klase sa hapon nang maglabas na ng warning ang PAGASA.
Nabatid na hindi pa rin sinuspinde ng UE ang klase sa kabila ng kanilang inilabas na class suspension.
- Latest