^
Detainee  dedo sa TB  at pneumonia
Ang nasawi ay si Isagani Bautista, 45-anyos, miyem­bro ng Bahala na Gang at residente ng No. 289 Alcalde St., Tondo, Maynila.

Detainee dedo sa TB at pneumonia

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang preso sa kasong ilegal na droga nang tuluyang lumala ang sakit na tuberculosis at kapitan pa ng pneumonia sa Manila Police District-Station 1, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay si Isagani Bautista, 45-anyos, miyem­bro ng Bahala na Gang  at residente ng No. 289 Alcalde St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni P/Master Sergeant Jansen San Pedro ng MPD-Homicide Section, alas-7:00 ng gabi nitong Sabado nang ideklarang patay sa Tondo Medical Center si Bautista.

Nabatid na nagreklamo ng hirap sa paghinga ang biktima noong nakalipas na Biyernes at agad siyang dinala sa nasabing pagamutan.

Nabatid na Noong Hun­yo 12, 2019 nang dakpin si Bautista ng mga tauhan ng MPD-Station 1 sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive  Dangerous Drug Act of 2002.

DETAINEE ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with