^

Metro

Mata sa kalsada huwag sa nobya - DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mata sa kalsada huwag sa nobya - DOTr
Ang paalala ay ginawa ng DOTr, matapos mag-viral sa social media ang ‘paglalambingan’ ng isang driver sa kanyang kasintahan habang bumibiyahe.

Paalala sa motorista

MANILA, Philippines — Paalala ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) sa mga motorista na ipokus ang kanilang atensyon sa kalsada at maging maingat sa kanilang pagmamaneho at hindi sa kanilang nobya upang makaiwas sa disgrasya.

Ang paalala ay ginawa ng DOTr, matapos mag-viral sa social media ang ‘paglalambingan’ ng isang driver sa kanyang kasintahan habang bumibiyahe.

“Pasintabi lang po, Ma’am and Sir. Ayaw po namin maging KJ at makasira sa lambingan moments ninyo. We understand you love each other. PERO, LOVE DIN PO NAMIN KAYO, AND WE WANT YOU TO BE SAFE,” paalala pa ng DOTr.

Anang DOTr, okay lang maglambingan, basta nasa ligtas na lugar, pagkakataon at pa­mamaraan.

Ang lambingan ng magkasitahan habang bumibiyahe at naipaskil sa account ng Carbrazzer.tv.

Sa naturang video, makikitang sa halip na sa kalsada ay sa isa’t isa ang ‘pokus’ ng driver nito at ng kanyang kasintahan, habang tumatakbo ang kanilang sasakyan.

Ipinasa na ng DOTr ang kopya ng naturang video sa Land Transportation Office (LTO) upang magawaan ng karampatang aksyon.

“Minsan, mas okay na bumitaw sa nobya, ‘wag lang sa manibela. No bitter feelings. Just pag-ibig,” dagdag pa nito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with