^

Metro

5 barangay chairman ‘namumuro’ kay Isko

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
5 barangay chairman �namumuro� kay Isko
Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, pinaalalahanan ni Do­magoso sina Brgy. Chair­man Odec Bautista, Brgy. Chairman Ipon, Brgy. Chairman Macaso at Brgy. Chairman Diana pawang District 3 at Brgy. Chairman Lagamayo na ayusin at linisin ang kanilang lugar.

Dedma sa obstruction

MANILA, Philippines —  Pinangalanan ni incoming Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang limang barangay chairman na umano’y patuloy na kumukunsinti sa illegal obstruction sa kani-kanilang lugar.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, pinaalalahanan ni Do­magoso sina Brgy. Chair­man Odec Bautista, Brgy. Chairman Ipon, Brgy. Chairman Macaso at Brgy. Chairman Diana pawang  District 3 at  Brgy. Chairman Lagamayo na ayusin at linisin ang kanilang lugar.

Sinabi ni  Domagoso na huwag na sanang hintayin ng mga barangay chairman ang kanyang gagawin sa sandaling magsimula na ang kanyang termino.

Ayon kay Domagoso, dapat nang itigil ng mga barangay officials ang ‘patong’ upang hindi matanggal ang mga obs­truction  at sagabal sa daanan.

Maging ang mga  eskinita ay papasukin ng mga tauhan ng Manila City Hall upang mabig­yan lamang ng sapat na  daanan ang mga publiko.

Aniya, ia-acetylene niya ang mga nakahambalang na mga trailer trucks at container van upang matanggal sa lugar.

Ang mga may-ari ng  trailer trucks at container van na nakaparada sa iba’t ibang lugar sa Maynila ay nagbabayad ng P1,000 kada araw sa mga barangay officials.

Binigyan diin ni Domagoso na may pananagu­tan ang barangay offi­cials kung wala itong ginagawang kaayusan sa kanyang nasasakupan.

vuukle comment

ILLEGAL OBSTRUCTION

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with