^

Metro

Magparehistro na sa Manila Bay Clean-up Run

Pilipino Star Ngayon
Magparehistro na sa Manila Bay Clean-up Run
Ito’y bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa 3K, 5K, 10K, at 21K dibisyon na panlalaki at pam­babae. Magkakamit ng medalya at cash prizes ang magwawagi sa bawat kategoriya.

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Manila Broadcasting Company ang pagpaparehistro para sa ika-apat na Manila Bay Clean-Up Run sa ika-17 ng Hulyo 2019.

Ito’y bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa  3K, 5K, 10K, at 21K dibisyon na panlalaki at pam­babae.  Magkakamit ng medalya at  cash prizes ang magwawagi sa bawat kategoriya. 

Bukas ang registration center sa MBC lobby, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City araw-araw mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. Maaari ding magpatala sa Olympic Village Robinsons Forum, Festival Mall, at Farmers Plaza, mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi. Huling araw ng rehistro ay sa June 30, 2019.   

Patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga establisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan ang basura at linisin hindi lamang ang karagatan kungdi maging mga ilog, estero, at iba pa’ng maliliit na daluyan ng tubig na karugtong nito.  Ang funrun ay isa lamang sa mga proyektong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng mga pangangailangan ng programa.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run, maaaring tawagan ang Runners Link sa telepono bilang 0926.205.2787.

vuukle comment

MANILA BAY CLEAN-UP RUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with