^

Metro

Nagpautang na, pinatay pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bala ang ibina-yad sa isang lalaking naningil ng kanyang pautang na naging sanhi ng kanyang ka­matayan sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Biniberepika nga-yon ng Taguig City Po­lice ang pagkakakilanlan sa biktima na inisyal na nakilala sa pangalang “Cholo”, nasa pagitan ng edad 30-35 taong gulang, may taas na 5’9”, nakasuot ng itim na t-shirt, berdeng jacket, at asul na shorts.

Bigo naman na ma­kilala ang salarin ma-karaang mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng Taguig City Police, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa kahabaan ng Capistrano Extension, Brgy. Hagonoy, ng naturang lungsod.

Sa salaysay ng saksing Grab driver, sumakay sa kanya ang biktima sa may Pasig City at nagpahatid sa Taguig. Dito niya naka­kuwentuhan ang biktima na nagpakilalang “Cholo” na nagsabing may hinahanap siyang tao para singilin ng utang.

Pagdating sa Ca-pis­trano Extension, bumaba ang kanyang pasahero pero sinabihan siya na maghintay.  Makalipas ang ilang sandali, nakarinig ang Grab driver ng sunud-sunod na putok ng baril. 

Nang tumahimik at magkalakas ng loob, tinunton niya ang pinagmulan ng mga putok at tumambad sa kanya ang duguan at wala nang buhay na biktima.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng pulisya ngunit hindi na nagawang mahabol ang salarin.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with