^

Metro

Crane bucket bumagsak: 6 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na katao ang sugatan nang aksidenteng bumagsak ang isang crane bucket at tumapon ang laman nitong semento sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Melanie Felismino, Gaily Palma, at Edgar Galban at  tatlo pang hindi na tinukoy ang pangalan na agad din umuwi sa kanilang tahanan.

Batay sa ulat ng Pa­sig City Police, da­kong alas-8:45 ng uma­ga nang maganap ang insidente sa isang gina­gawang tower sa Garnett Road sa Ortigas Center, Brgy.  San Anto­nio, Pasig City.

Magbubuhos sana ng hinalong semento ang isang monolit crane nang aksidenteng maputol ang kable nito.

Dahil dito, tumapon ang laman nitong semento at tumama sa mga biktima, na nagresulta sa pagkasugat   ng mga ito.

Samantala, may limang iba’t ibang uri rin ng pribadong sasak­yan ang nasira dahil  sa pangyayari.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy kung sino ang dapat na managot dito.

vuukle comment

CRANE BUCKET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with