^

Metro

DTI nagbabala sa mga substandard flat glass

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga flat glass manufacturer at importer na sumunod sa istriktong pamantayan sa kalidad ng kanilang mga produkto.

Sa inilabas ng DTI na Department Administrative Order (DAO) nito lang Abril 6, 2019, inaatasan nito ang pagtatakda ng Product Standard for Flat Glass sa buong bansa na naglalayong pairalin sa mga construction site na ang paggamit ng mataas na uri ng salamin sa mga gusali.

Nagsanib-puwersa ang DTI at ang Bureau of Pro­duct Standard para lalo pang palakasin ang kampanya ng gob­yerno laban sa mga kontraktor, importer at mga manufacturer ng mga flat glass.

Ayon kay DTI-BPS Director, Engr. James Empeno, patuloy ang paglakas ng construction sector ng bansa sa nakaraang tatlong taon kaya mas dapat maging agresibo ang ahensiya laban sa mga gumagamit ng mga substan­dard flat glass dahil inilalagay nito sa panganib ang mga mamamayan.

Binigyang-diin ni Empeno na ang mataas na uri ng flat glass na weather-tested ay hindi basta nababasag ng hangin o anumang bagyo, lalo na kung ang mga ito ay nakakabit sa mga sky scraper o mataas na mga gusali.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with