^

Metro

Drug ops sa Navotas: 4 nadakma

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat  na drug suspek ang nadakip ng mga tauhan ng Navotas City Police sa isang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa tinatayang P228,000 halaga ng shabu, kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga naarestong suspek na si Michael Bonzon, alyas Barok, 47; Marissa De Guzman, 39;John Paolo Cubos, 21 at Jojo Delos Reyes, 24, pawang residente ng Brgy. North Bay Boulevard North ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:30 ng madaling araw nang magkasa ng operasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kasama ang PDEA CAMANAVA kontra sa mga suspek sa Brgy. NBBN, ng naturang lungsod.

Nagawang makapagtransaksyon ng poseur buyer sa mga suspek at nakabili ng isang plastic sachet ng shabu kapalit ng halagang P300 marked money. Nang magbigay ng senyales ang poseur-buyer, agad na lumusob ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 14 plastic sachets na naglalaman ng nasa 60 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P228,000 ang halaga.

Patuloy ang follow-up investigation at operation ng pulisya upang matukoy kung saan kinukuha ng mga suspek ang isinusuplay sa kanilang shabu.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with