^

Metro

Nagpanggap na si Mayor Sara, 1 pa huli ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Nagpanggap na si Mayor Sara, 1 pa huli ng NBI
Sa ulat ng NBI kahapon, naisailalim na sa inquest proceedings sa QC Prosecutor’s Office sa paglabag sa Article 177 o Usurpation of Authority /Official Function ng Revised Penal Code ang mga suspek na sina Ida Josephine Sioco Villahermosa, 52, residente ng 5th Avenue, Caloocan City at Deltha Pasco Bernardo, 51, ng Block 6, Lot 59 Southville 8, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang babae na ang isa sa kanila ay nagpapanggap na si Mayor Sara Duterte para impluwensiyahan ang  pagpapasiya sa nakabinbing kaso sa National Labor Relation Commission (NLRC) nang magtungo sa nasabing tanggapan, sa Quezon City, nitong nakalipas na Huwebes.

Sa ulat ng NBI kahapon, naisailalim na sa inquest proceedings sa QC Prosecutor’s Office sa paglabag sa Article 177 o Usurpation of Authority /Official Function  ng Revised Penal Code ang mga suspek na sina Ida Josephine Sioco Villahermosa, 52, residente ng 5th Avenue, Caloocan City at Deltha Pasco Bernardo, 51, ng Block 6, Lot 59 Southville 8, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Mismong si Mayor Sara ang tumayong complainant laban sa mga nadakip.

Una rito, noong Hunyo 3, 2019, ay may tumawag sa opisina ni Commissioner Alex Lopez ng NLRC na nagpakilalang siya si Mayor Sara, na nasundan pa ng tatlong tawag sa iba’t ibang pagkakataon at iginigiit na paimbestigahan na ang Tacurong case kung saan sangkot ang dalawang kompanya ng bus.

Sinabi pa umano ng nagpakilalang Sara na iniutos na ng Malakanyang na imbestigahan ang iregularidad sa kaso.

“Mahirap pag si daddy ang nagpaimbestiga retirable pa naman siya di ba?” ayon sa nagpakilalang Sara.

Nag-iwan pa ng numero ng cellphone ang nasabing caller at inatasan ang staff na ibigay ang numero at patawagin sa kaniya si  Comm. Lopez, at bilin na huwag ipamigay sa iba ang numero dahil private number niya ito bilang alkalde ng Davao.

Sinabi pa ng caller na ang mga complai­nants at si Mr. Tacurong ay may sakit at ang may bahay ni Tacurong ay pinsan umano ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kaya magpapadala siya ng representative na si Josephine Villahermosa, na isa umanong anak ng labor arbiter ng Duma­guete.

Naulit umano ang tawag noong Hunyo 11 alas- 8:45 ng umaga at nagagalit pa umano ang nagpakilalang Sara dahil hindi siya tinawagan ni Comm. Lopez at nanakot pa na masisibak kaagad kung ang  daddy niya ang magpapaimbestiga.

Hunyo 13 alas -9:00 nang magtungo sa NLRC si Villahermosa at Bernardo na lingid sa kanila ay nakaabang na ang NBI-Special Operations Group at inaresto sila.

Sa kabila ng pagtanggi ni Villahermosa na siya ang nagpapanggap na Sara, nabuking siya nang i-dial ng NBI-SOG ang iniwang private number, nang tumunog ang nakumpiska sa kanya at nasa call logs nito ang numero ng opis ni Comm. Lopez na nag-match sa petsa at oras kung kalian siya tumawag.

vuukle comment

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with