^

Metro

Erap, Isko nagkita na, maayos na transition, tiniyak

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Erap, Isko nagkita na, maayos na transition, tiniyak
Hindi na ibinunyag ni Domagoso ang ‘secret meeting’ nila ni Estrada bago ang press conference subalit tiniyak nito na magiging maayos ang transition sa June 30. Kahapon natuloy ang courtesy call na hiniling ni Domagoso noong Biyernes. Sinabi ni Domagoso na naging maayos naman sa pakiramdam ang pagkakausap nila ni Estrada.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Matapos ang tatlong taong hindi pag-uusap, nagkita na kahapon sina outgoing Manila Mayor Joseph Estrada at incoming Manila Mayor  Francisco‘ Isko Moreno’ Domagoso sa ginanap na courtesy call kahapon sa Bulwagan Villegas.

Hindi na ibinunyag ni Domagoso ang ‘secret meeting’ nila ni Estrada bago ang press conference subalit tiniyak nito na magiging maayos ang transition sa June 30. Kahapon natuloy ang courtesy call na hiniling ni  Domagoso noong Biyernes. Sinabi ni Domagoso na naging maayos naman sa pakiramdam ang  pagkakausap nila ni Estrada.

Ayon kay Domagoso, nakakatiyak si Estrada na magi­ging sistematiko ang gaga­wing solusyon at pagbabago sa Maynila kabilang na ang problema sa basura, trapiko at vendors. Giit ni  Domagoso, tapos na ang halalan kaya’t  nanawagan siya sa mga  taga -Maynila na tulungan siya sa  pagsasaayos ng lungsod dahil hindi niya kakayaning mag-isa ito.

Idinagdag pa nito na hangad lamang niyang maibalik sa Manilenyo ang  Maynila dahil matagal na din umano itong pinakinabangan ng mga hindi taga-lungsod. Nagpasalamat din si Domagoso sa malawak na kaisipan ni Estrada sa maayos na pagsasalin ng pamunuan. Magsisimula sa panunungkulan si Domagoso sa Hulyo 1.

Hiniling ni Domagoso kay Estrada na iturn-over sa kanila  ang mga mahahalagang  dokumento tulad ng contracts, loan agreements, inventory at audit reports upang mapag-aralan ng kanilang team.

Samantala, tiwala naman si Estrada na maipagpapatuloy ni Domagoso ang mga kapaki-pakinabang na proyekto ng Maynila.Kabilang dito ang  pagbibigay prayoridad sa mga ospital, unibersidad at allowance ng mga pulis.

vuukle comment

ISKO MORENO

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with