Inireklamo siya ng mga negosyanteng sina Jerry Tello, 44, at Josephine Lladoc, 43, kapwa nakatira sa Apolonia St., Brgy. Mapulang Lupa, ng naturang lungsod.
2 arestado sa pangongotong
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

Sa Valenzuela at Maynila

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang dalawang lalaki dahil sa pangongotong sa magkahiwalay na insidente kamakalawa sa Valenzuela at Maynila.

Nahaharap ngayon sa mga kasong Usurpation of Authority, Falsification of Public Document, Robbery Extortion at Resistance and Disobedience ang suspek na kinilalang si Ramil Coronel, 41-anyos, matapos magpanggap na empleyado umano siya ng business permit office ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela at tangkaing kotongan ang mga may-ari ng isang vulcanizing shop at isang tindahan, ka­makalawa ng umaga sa naturang lungsod.

Inireklamo siya ng mga negosyanteng sina Jerry Tello, 44, at Josephine Lladoc, 43, kapwa nakatira sa Apolonia St., Brgy. Mapulang Lupa, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, hiningan umano ni Co­ronel si Lladoc ng P1,260 bilang multa dahil sa hindi pag-renew ng business permit ng kanyang vulcanizing shop habang si Tello ang P15,000 dahil sa hindi naman pagsunod umano sa “business sanitary permit” para sa kanyang tindahan at eatery sa naturang lugar.

Dahil sa hindi nani­niwala sa pinagsasabi ng suspek, tumawag sa pulisya si Tello na nag­resulta sa pag-aresto kay Coronel at pagkakakumpiska ng iba’t ibang dokumento at identification card ng iba-ibang lokal na pamahalaan na pawang mga peke.

Samantala, arestado rin at nahaharap sa kasong Carnapping at Robbery Extortion si Rolando Toquero, alyas “Roy”, 39, caretaker ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), nang tangkaing koto­ngan ang may-ari ng na-impound na trak, kamakalawa ng gabi.

Sa reklamo ng may-ari ngtrak na si Teodo­rico Gervacio matapos mahuli ang kanyang tsuper sa isang traffic violation at ma-impound ang trak ay hiningan siya umano ni Roy ng halagang P10,000 para mailabas ang trak hanggang sa magkaroon ng negosasyon at naibaba ito sa P8,500.

Dito humingi ng tulong si Gervacio sa NCRPO-RSOU na nagkasa ng entrapment operation dakong alas-8:15 ng gabi sa mismong compound ng MTPB na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

EXTORTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with