Bagong pasok sa selda, dedo sa gulpi ng kakosa
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang drug suspect na kapapasok pa lang sa selda matapos pagbubugbugin ng kapwa inmates makaraan umanong ‘di maawat sa pagwawala nito, na naganap sa Police District-Station 4, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang inmate na kapapasok pa lang sa kulungan nitong nagdaan lang na Biyernes na si Billy James Jardiel, residente ng No. 1331 Quintos St., Sampaloc, Maynila. Siya ay inaresto noong Hunyo 14 dahil sa iligal na droga.

Patuloy pang iniimbestigahan ang ilang inmates na sangkot sa panggugulpi sa biktima na pansamantalang hindi pa inilalabas ang mga pangalan at kung may pananagutan.

Sa ulat ni P/Staff Sergeant Mark De Guzman, dakong alas-6:00 ng umaga nang magwala sa loob ng selda ang biktima kaya napi­litang pigilan siya ng mga kasamang inmates subalit hindi umano nagpaawat hanggang sa makasakit na siya na nauwi sa mas marahas na pangyayari.

Bandang alas-8:22 nang idineklarang patay ang biktima sa Ospital ng Sampaloc nang isugod dito matapos mawalan ng ulirat.

Nabatid na may asawa at isang anak ang biktima.  

CRIME ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with