Ang suspek na si Nishimura Makoto, 69, taxi driver at residente ng Llano Road, Caloocan City ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.
Hapones na nanakit ng 3-anyos, arestado
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang Japanese national ang inaresto ng mga awtoridad nang ireklamo ng pananakit sa isang 3-taong gulang na batang lalaki nang mabunggo nito ang anak ng una sa loob ng isang restaurant sa Quezon City, kamakalawa.

Ang suspek na si Nishimura Makoto, 69, taxi driver at residente ng Llano Road, Caloocan City ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)- Fairview Police Station 5 (PS-5), dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng isang kilalang restaurant, sa Quirino Highway, Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Naglalaro umano ang 3-taong gulang na biktima na kasama ang kanyang ina na kumakain sa restaurant, nang aksidenteng mabangga nito ang anak na babae ng dayuhan, na kostumer din doon.

Ikinagalit ng suspek ang pangyayari kaya’t nilapitan ang paslit at pinalo ito.

Ikinagalit ng ina ng bata ang ginawa ng suspek, na nauwi sa pagtatalo ng mga ito, hanggang sa awatin ng kanyang maybahay ang suspek.

Kaagad namang inaresto ng mga awtoridad ang suspek at binitbit sa presinto para sa kaukulang pagsasampa ng kaso.

CHILD ABUSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with