Welder ‘kumanta’ sa nakawan, pinatay ng kasamahan

Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang welder na hinihinalang sinakal muna bago binigti ng kanyang katrabaho matapos umamin ang una na sangkot umano sila sa naganap na nakawan sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Makati City na iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Nestor Malujao, 56 .

Samantala, nasa custody naman ng Makati City Police ang kasamahan nitong suspect na si Albert Cruz.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), alas-8:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabigti ng lubid sa Batangas St., Brgy. San Isidro, Makati City.

Nabatid na hinihinalang sinakal muna ang biktima bago ito binigti hanggang sa mapatay. 

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, napag-alaman na ang biktima ay umamin umano na kasabwat  ng suspect sa insidente ng nakawan at ang kapatid nitong si Ritchell sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Turbo Engine Recovery, na matatagpuan sa nabanggit na lugar.

Pinaniniwalaang ito ang posibleng dahilan kung bakit ito pinaslang.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis, nadakip ang suspect na si Albert.

Sa kasalukuyan ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with