Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen Joselito Esquivel Jr., nasa kustodiya na nila si Michael Ramores, 30, residente ng Carnation St., Libis Bulelak, Brgy. Malanday, Marikina City.
File Photo
Lalaki na nagpayosi, nagpainom ng alak sa 2-anyos arestado
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip na rin ng mga awtoridad ang isang lalaki, na umano’y kasabwat sa pagpapayosi at pagpapainom ng alak sa  2-anyos na anak ng kanyang nobya sa isang apartelle sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen Joselito Esquivel Jr., nasa kustodiya na nila si  Michael Ramores,  30, residente ng Carnation St., Libis Bulelak, Brgy. Malanday, Marikina City.

Si Ramores ay naaresto kasunod nang una nang pagkadakip sa kanyang nobya na si Gina Binaser Terco, 25, ng Bistekville 11, Sar­miento St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, at siyang ina ng biktimang paslit, dakong alas-8:30 ng umaga.

Batay sa report ng QCPD, nag-ugat ang pag-aresto nang magtungo sa kanilang himpilan ang di-pinangalanang ama ng bata nang madiskubre nito na pilit na pinaiinom ng alak ng kaniyang dating misis ang kanilang 2-anyos na anak na lalaki  at kinunan pa ng video sa cellphone nito, kasabwat ang isang lalaki, na umano’y nobyo nito.

Sa naturang video, na nag-viral pa sa social media, at may petsang Hunyo 3, isinagawa ang insidente sa loob ng 8th Avenue Apartelle, Brgy. Socorro, Cubao.

Makikitang pilit na pinaiinom ng alak at sinasaksakan ng sigarilyo sa bibig ng mga suspek ang paslit kaya’t humingi ng saklolo ang ama ng bata sa pulisya.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa  Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), habang itinurn-over naman ang bata sa QC-Social Services and Development Department (SSDD).

MICHAEL RAMORES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with