Trike driver sinaksak ng kalugar, bahay sinilaban pa

Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang tricycle driver ang nag-aagaw buhay nang pagsasaksakin ito ng kanyang kalugar kung saan sinilaban pa  ng suspect ang kanyang   bahay,  kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan  ang biktimang si Ramil Ramos, 52,  ng Brgy. Hulong Duhat ng nabanggit na lungsod.

Nasa custody naman ng pulisya ang suspek na nakilala sa pangalang JR Alcantara, 24.

Sa imbestigasyon ng pulisya,  naganap insidente ala-1:15 ng madaling araw sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nabatid na natutulog ang biktima, nang pasukin at pagsasaksakin ito ng  suspek at saka sinilaban ang kanyang bahay bago mabilis na tumakas si Alcantara.

Kaagad namang rumes­ponde ang mga bumbero, kung kaya’t mabilis  naapula ang apoy habang mabilis namang isinugod ang biktima sa naturang ospital.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis, nadakip nila ang suspek,  na dinala sa himpilan ng pulisya.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng suspek sa ginawa nitong krimen.

CRIME STABBING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with