Babaeng pasahero ng LRT, dinampot sa ‘bomb joke’

Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang babaeng pasahero ang inaresto dahil sa ‘bomb joke’  habang papasok ng  LRT-line 1 Baclaran Station sa Pasay City  kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police ang dinakip  na si Maribeth Florentino, 23, ng  Santa Quiteria, Caloocan City.

Nabatid na papasok na sa paid-area ng LRT station si Florentino nang magbiro itong may bomba sa dala niyang bag.

Dahil dito, agad siyang pinigil ng lady guard at saka sinearch ang kanyang bag at saka siya dinala sa Bac­laran Police Community Precinct.

Nagpaalala naman ang pulisya na huwag magbibiro ng bomba lalo na sa mga pampublikong lugar tulad ng terminals, airports at seaports.

GIRL ARRESTED FOR BOMB JOKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with