^

Metro

Drug bust nauwi sa shootout: 3 utas

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Drug bust nauwi sa shootout: 3 utas
Kinilala ni P/Col. Rolando Balasabas, hepe ng Navotas Police ang mga nasawing suspect na sina Arnel Bagamasbad, alyas Arabo, 33; isang alyas Gurang at isang alyas Buwaya, habang tinutugis ang isa pa nilang kasabwat na si alyas Vandam.

MANILA, Philippines — Tatlo sa apat na hinihinalang ‘tulak’ ng droga  ang nasawi matapos makipagbarilan sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Rolando Balasabas, hepe ng Navotas Police ang mga nasawing suspect na sina Arnel Bagamasbad, alyas Arabo, 33; isang alyas Gurang at isang alyas Buwaya, habang tinutugis ang isa pa nilang kasabwat na si alyas  Vandam.

Ayon sa ulat, alas-2:51 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation laban sa mga suspect sa kahabaan ng North Bay Blvd. Champaca St., Agora Market, Brgy. NBBS Proper ng nabanggit na lungsod.

Matapos iabot ng mga suspect ang isang sachet ng shabu sa poseur-buyer, natunugan ng mga ito na pulis ang kanilang katransaksyon kaya agad naglabas ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.

Napilitan namang gumanti ang mga pulis at matapos ang palitan ng mga putok, nakitang nakabulagta ang tatlong suspect  habang nagawang makatakas ang isang kasama ng mga ito.  

Narekober sa mga nasawing suspek ang isang cal. 9mm pistol, dalawang cal. 45 pistol, limang malalaking plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu at P300 buy-bust money.

Sinabi ni Balasabas na bago ang operation, isang linggong isinailalim sa surveillance operation ng kanyang mga tauhan ang grupo ni Bagamasbad kasunod ng natanggap na tip mula sa concerned citizen hinggil sa kanilang iligal na aktibidad.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with