Hinaing tungkol sa provincial bus ban sa EDSA, idudulog sa ibang ahensya
Sabi ng tagapagsalita ng MMDA na si Asst. Secretary Celene Pialago, sa pakikipagpulong ng MMDA sa transport group, sinabi nito na isusumite nila ang kanilang hinaing at mga panukala sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTR).

Hinaing tungkol sa provincial bus ban sa EDSA, idudulog sa ibang ahensya

Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dadalhin at isusumite ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa mga concerned agencies ang hinaing at panukala ng transport groups na may kaugnayan sa pagpapatupad ng provincial buses ban sa EDSA.

Sabi ng tagapagsalita ng MMDA na si Asst. Secretary Celene Pialago, sa pakikipagpulong ng MMDA sa transport group, sinabi nito na isusumite nila ang kanilang hinaing at mga panukala sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTR).

Ilan sa mga panukala ng transport group ay ang pagkokonsidera ng dagdag na oras para sa biyahe, additional cost, available transportation  para sa mga senior citizens at PWDs, paglalaan ng mid bus stops sa halip na  P2P, pagbibigay prayoridad sa higher capacity vehicles tulad ng UV Express sa halip na TNVS, pag-regulate at pag-organize ng bus terminals, pagpo-provide ng  seminars  sa mga commuters kabilang ang proper driving sa K-12 curriculum, limit coding para  PUVs, 23 km route para sa mga jeep at boundary P1,500 sa mga driver.

Dapat ngayong buwan ng Hunyo ay pinatutupad na ang provincial buses ban sa EDSA, ngunit nakabinbin ito dahil sa petition ng ilang mambabatas sa Korte Suprema kontra dito.

Sabi ng MMDA, hihinta-yin muna nila ang magiging desisyon ng Supreme Court bago ipatupad ang ban.

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO­RITY PROVINCIAL BUSES BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with