Karambola ng 3 sasakyan: 1 patay, 1 sugatan

Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider at nasa kritikal na kondisyon ang angkas nito matapos makasalpukan nito ang isang kotse at motorsiklo na minamaneho ng dalawang senior citizen, iniulat kahapon sa Taguig City.

Sanhi ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, dead on the spot si Gilbert Villania, 26, habang sugatan ang angkas nito na si Ojara Laga­nada, 46.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-9:20 ng umaga sa panulukan ng 11th Avenue at 32nd St., Bonifacio Global City (BGC), Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Nabatid, na minamaneho ni Villania ang isang Suzuki Raider 150 at angkas naman nito si Laganada, habang binabagtas nila ang naturang lugar, hindi nito nakontrol ang preno hanggang sa nakasalpukan nito ang isang Toyota Innova Wagon, na minamaneho ni Jerry Catap, 61 at isang Suzuki Raider 110  na ang driver naman ay si Pedro Baylon, 65.

Dahil sa lakas nang pagkabangga, tumilapon ng ilang metro ang mga biktima, na naging sanhi ng agarang kamatayan ni  Villania at nalagay naman sa kritikal ang angkas nito. 

Patuloy pa ring iniim-bestigahan ng pulisya ang nasabing aksidente.

TAGUIG CITY ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with