84 kilo ng karne galing Japan, pinigil sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - May 31, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpiska ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may  84 kilo ng imported meat galing Japan makaraang wala itong maipakitang permiso mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) clearance and health certificate.

Sinabi ni NAIA Customs District Collector Mimel Talusan, na walang maipakitang import permit ang pasahero  na hindi na binanggit ang pangalan, na nagdala ng karne na kailangan matiyak na hindi kontamido  ang meat products na pumapasok sa bansa.

Sinabi ni Talusan, na patuloy nilang minomonitor ang airport at mga bodega sa NAIA sa pagpasok ng mga imported meat sa bansa at sinusuportahan ang BAI sa kampanya nito na pigilan ang pagpasok ng African Swine Fever outbreak. 

Ayon kay Talusan, umaabot na sa 4,496 kgs meat at meat products ang kanilang nakumpiska na agad inilipat sa BAI para sunugin.

BUREAU OF CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with