Ayon sa BOC, walang clearance at health certificate mula sa Bureau of Animal Industry ang mga inangkat na karne mula Japan.
Release/Bureau of Customs NAIA
Karne mula Japan kinumpiska sa NAIA kontra African Swine Fever
(Philstar.com) - May 30, 2019 - 5:40pm

MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport ang mahigit 84 na kilo ng karneng ilegal na iniangkat sa bansa noong Lunes.

Ayon sa BOC, walang clearance at health certificate mula sa Bureau of Animal Industry ang mga inangkat na karne mula Japan.

Dahil dito, ibinigay muna ito sa BAI-Veretinary Quarantine Services upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng African Swine Fever sa bansa.

Matatandaang naglabas ng abiso ang BAI ukol sa pansamantalang pagbabawal sa pag-angkat ng karne ng baboy mula sa mga bansang Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine at China na apektado ng naturang virus.

Ipinag-utos rin ng Food and Drug Administration noong Martes na tanggalin sa merkado ang mga “pork products” na galing sa mga nasabing bansa.

Hiniling na rin ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol sa FDA na i-ban ang “Ma Ling” at iba pang mga “processed pork products” gaya ng ham at sausage na ginawa mula Agosto 2018 bilang proteksyon sa pagkalat ng malubhang sakit ng baboy sa bansa.

Tinukoy naman ni Piñol ang mga bansang Romania, Russia, South Africa, Ukraine, Zambia, Belgium, Bulgaria, Czech Republic, Hungary, Latvia, Moldova, Poland, China (kasama ang Hong Kong), Vietnam, Mongolia at Cambodia bilang apektado ng ASF.

“The ASF is a deadly disease of hogs which has no vaccination and no known cure. Although it is not contagious to humans, the disease could wipe out the hog population of a country,” paliwanag ni Piñol.

(Ang ASF ay isang nakamamatay na sakit ng mga baboy na walang bakuna at walang lunas. Kahit na ito ay hindi nakakahawa sa mga tao, ang sakit ay maaaring umubos sa populasyon ng baboy sa bansa.)

Gayunpaman, wala sa listahan ng FDA, DA at BAI ang bansang Japan.

Mahigit 4,000 kilo ng karne na ang nasabat ng BOC mula Enero hanggang Mayo ngayong taon na siyang itinapon na raw ng BAI.

AFRICAN SWINE FEVER BUREAU OF CUSTOMS DEPARTMENT OF AGRICULTURE FOOD AND DRUG ADMINISTRATION JAPAN MEAT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with