^

Metro

3 ‘iskorer’ ng shabu tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 �iskorer� ng shabu tiklo
Sa ulat ng pulisya, unang naaresto ng Gulod Police Community Precinct (PCP) ang massage therapist na si Edmeralyn Duco, alyas “Arlene”, 38-anyos, residente ng Mindoro St., at Mary Ann Mariano, 41, ng Gerardo St.; pawang sa Sampaloc, Maynila

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang tatlong sinasabing ‘iskorer’ ng shabu matapos arestuhin ng mga pulis makaraang madaanan at sitahin sa isinagawang anti-crime operations, sa magkahiwalay na lugar sa Sampaloc, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, unang naaresto ng Gulod Police Community Precinct (PCP) ang massage therapist na si Edmeralyn Duco, alyas “Arlene”, 38-anyos, residente ng Mindoro St., at Mary Ann Mariano, 41, ng Gerardo St.; pawang sa Sampaloc, Maynila

Dakong alas-10:00 kamakalawa ng gabi nang mamataan ang dalawa ng mga pulis sa panulukan ng Mindoro at Mindanao Avenue.

Nang sitahin ay hindi umano mapakali ang dalawa kaya tinanong kung ano ang hawak sa kamay hanggang sa napilitang ipakita sa mga pulis ang hawak nilang maliliit na sachet ng shabu kaya agad na binitbit sa presinto.

Bandang alas-11:30 ng gabi naman nang maaresto ang tricycle driver na si Arturo Santos, 44, residente ng San Antonio St., Sampaloc, Maynila.

Namukhaan umano ang nasabing suspek dahil nakalinya ang mukha nito sa drug watchlist ng presinto.

Hinarang at kinapkapan si Santos kung saan nakumpiska ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P200.

Naniniwala ang mga ope­ratiba na kaiiskor o kabibili pa lamang ng mga suspek ng nasabing iligal na droga na pinaniniwalaang gagamitin nila subalit naudlot nang masabat.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with