^

Metro

Sanggol patay sa bundol ng jeep

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang taong gulang na sanggol habang sugatan naman ang ina nito matapos mabundol ng isang pampasaherong jeep habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Kaehl Ejija Mariano habang sugatan naman ang kanyang ina na si Angelica Ejija, 22-anyos, kapwa nakatira sa No. 098 Pescado St., Brgy. Bangkulasi, Navotas City.

Arestado at nahaharap naman sa kasong Homice at Physical Injury through Reckless Imprudence ang driver ng jeep na si Reymond Villanueva, 45, residente ng Inocensio St., Brgy. 93 Capulong, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa may Road 10 Pescador, Brgy. Bangkulasi, ng naturang lungsod.

Naglalakad si Angelica karga ang kanyang anak na sanggol sa bangketa ng Road 10 patungo ng kanilang bahay nang biglang masagi ng pampasaherong jeep (TVR 259) na minamaneho ni Villanueva dahilan ng kanilang pagbagsak sa kalsada.

Agad na isinugod sa Navotas City Hospital ang mag-ina ngunit hindi na umabot nang buhay ang sanggol na si Kaehl habang nagtamo ng pinsala sa katawan ang kanyang ina.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with