^

Metro

Pastor na ‘tulak’, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pastor na �tulak�, arestado
Ang suspek ay nakilalang si Jimmy Dela Torre, 49, preacher ng Peoples Network for Peace Committed Humble Servant, ng Brgy. San Juan, Cainta Rizal.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang pastor ang nadakip ng mga awtoridad kung saan nasamsam dito ang tinata­yang nasa P45,000 halaga ng droga sa isinagawang buy bust opera­tion sa Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang suspek ay nakilalang si Jimmy Dela Torre, 49, preacher ng Peoples Network for Peace Committed Humble Servant, ng Brgy. San Juan, Cainta Rizal.

Nadakip ang suspek dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Aurora Blvd, Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Ayon sa report, si Dela Torre ay nagbibigay pa ng values formation sa mga pulis at estudyante upang hindi umano maligaw ng landas ang mga ito, pero siya mismo ang lumihis ng landas sa pamamagitan ng paggamit at pagbebenta ng bawal na droga.

Ayon kay Cubao Police Station Drug Enforcement Unit Chief Police Capt. Ramon Acquiatan, isang buwan nilang minamanmanan ang suspek dahil na rin sa salaysay ng mga drug user at pusher na nahuli sa bahagi ng Aurora Blvd., na ang pastor ang siyang nagsusuplay at nagbebenta sa kanila ng droga.

Sinabi ni Acquiatan, noong una ay duda pa sila sa pagkakasangkot ng pastor ngunit noong makabili na sa kanya ang kanilang poseur buyer ay doon na isinagawa ang pag-aresto.

“Kasi pag may nahuhuli kami sa may bandang Aurora, binabanggit po sa amin na si Pastor ang nagsusuplay sa kanila. Talagang nagduda muna kami sa una hanggang sa nakabili ang poseur buyer namin,” ani Acquiatan.

Sa himpilan ng pulisya ay inamin ng suspek na noong una ay gumagamit lamang siya ng droga dahil umano sa impluwensiya ng mga kaibigan at kaya napilitan lamang umanong magbenta dahil kinapos at nagipit siya.

“Wala pong nakakaalam na nagbibisyo ako, walang nakakaalam even po mga kamag-anak, even asawa ko. Di po talaga ako nagbebenta sir. Nagkataon lang kanina, kinapos po ako sa pera,” anang Pastor.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERA­TION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with