^

Metro

Nagraling supporters ng natalong kandidato planong kasuhan ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na kasuhan  ang ilang supporters ng natalong kandidato sa pagka-alkalde dahil sa isinagawang kilos protesta sa rush hours,  na nagdulot ng trapik sa C-5 Road, Taguig City nitong Huwebes.

Sa pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia, nasa 3,000 supporters ng natalong kandidato  sa pagkaalkalde na si outgoing Taguig Representative  Arnel Cerafica ang nagsagawa ng kilos protesta, na wala aniyang  kaukulang permit.

“Pinag-aaralan ng mga abogado natin sa MMDA kung ano puwede nating ikaso diyan. Obstruction, illegal parking, lahat ng puwede... sa mga tao, kung may ma-identify tayo, kahit jaywalking kakasuhan ‘yan kasi nakaharang sila diyan,” ani Garcia.

Tinitingnan din aniya ng pulisya, na kung anong posibleng kaso o paglabag ang pwedeng isampa sa mga organizer ng naturang rally.

“Kung hindi po ninyo matanggap ‘yung mga naging resulta ng eleksyon, may ahensya po para diyan. Kahit kelan po, hindi puwedeng dalhin sa kalsada ‘yan lalo na sa national road,” nabatid pa kay Garcia.

Nabatid na nitong Huwebes (Mayo 23) ay nagsagawa ng kilos protesta ang mga supporters ni Cerafica sa C-5 Road kontra sa pagkapanalo ni Lino Cayetano sa pagkaalkalde ng naturang lungsod.

Si Lino ay kapatid nina Alan Peter, dating kalihim ng DFA at Pia, na muling nahalal sa pagka-senador.

Nabatid na ang nanalong congressman sa ­unang distrito ay si Alan Peter at ang misis naman nitong si Lani ay sa ikalawang distrito.

Ngunit isinagawa aniya ang rally ay rush hours, na nagdulot ng matinding trapik sa mga motoristang bumabagtas sa nabanggit na lugar.

vuukle comment

JOJO GARCIA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with