^

Metro

4 Chinese timbog sa P124-M droga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
4 Chinese timbog sa P124-M droga
Kinilala ni NBI director Dante Gierran ang mga suspek na sina Lu Jin, Lui Bin, Jack Lee at Ye Ling.

MANILA, Philippines — Sa selda ang bagsak ng apat na Chinese matapos masakote ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID), NBI Laoag District Office, NBI Dagupan District Office, Pangasinan Police at Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan at masamsaman ng tinatayang P124-milyong halaga ng shabu, sa magkasunod na operasyon sa Pangasinan.

Kinilala ni NBI director Dante Gierran ang mga suspek na sina Lu Jin, Lui Bin, Jack Lee at Ye Ling.

Nakatanggap ng tip ang NBI hinggil sa pagbibiyahe ng shabu ng mga suspek mula sa Mangaldan, Pangasinan patungo sa Doña Trinidad Subdivision, sa Urdaneta City, Pangasinan sa mga petsang Mayo 21 hanggang 26, 2019 gamit ang isang itim na Toyota Grandia (AEA 4480).

Agad nakipag-ugnayan ang NBI sa Pangasinan Police at iba pang sangay ng NBI sa lalawigan at isinagawa ang surveillance sa loob ng 2 araw hanggang sa nitong Mayo 23, 2019 ay namataan ang pakay na sasakyan at nang harangin ay nakita ang dala ni Lu Jun na 10 transparent ziplock bags na naglalaman ng shabu.

Bandang gabi ng araw ding iyon ay nagsilbi ng walong search warrants sa apat na target areas ang mga operatiba. Unang nadakip si Lui Bin, sa Doña Trinidad Subd at nakuhanan din ng shabu ang bahay nito habang sina Jack Lee at Ye Ling ay nadakip sa Calasiao at Mangaldan, Pangasinan subalit walang nakuhang ilegal na droga sa kanila.

Nang pabalik na sa Maynila ang NBI-TFAID ay namataan ang sasakyang pag-aari rin ng mga suspek at binuntutan ito hanggang sa maaresto ang nagmamaneho na si Norodin Guiani Tasil sa bahagi ng Cubao, Quezon City.

Naipasuri na sa NBI-Forensic  Chemistry Division ang lahat ng nasamsam na droga na umabot sa 18.81 kilos na may katumbas na halagang P124-milyon.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with