^

Metro

Ilang kalye sa MM, isasara ngayong weekend

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Ilang kalye sa MM, isasara ngayong weekend
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at DPWH, magsasagawa sila ng repair at re-blocking na sinimulan ng alas-11:00 kagabi (May 24) at matatapos ito sa Lunes (Mayo 27), alas-5:00 ng umaga.

MANILA, Philippines — Mahabang pasensya ang hiling ng Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista dahil kasunod ng isasagawang road re-blocking at repair ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang lansangan sa Metro Manila, ay asahan ang masikip na daloy ng trapiko ngayong weekend.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at DPWH, magsasagawa sila ng repair at re-blocking na sinimulan ng alas-11:00  kagabi (May 24) at matatapos ito sa Lunes (Mayo 27), alas-5:00 ng umaga.

Kabilang sa apektado ay ang EDSA Southbound, Lagarian Creek hanggang New York Street tabi ng sidewalk, bago mag-Monte De Piedad hanggang sa EDSA Blvd. Tunnel, 4th lane mula sa sidewalk, sa Quezon City.

Sa lungsod naman ng Makati, sa EDSA Northbound, 50 metro paglagpas ng Magallanes-MRT hanggang KM 29 malapit sa Ayala Tunnel, outer lane,  KM 27+019 hanggang KM 26+921, road level malapit sa Ayala Tunnel Service Road (outer lane).

Magsasagawa rin ng repair sa harap ng Baliwag Transit patungong New York St., 1st lane mula sa sidewalk, C5 Northbound, harap ng SM Aura/ Market Market.

Kung kaya’t payo ng MMDA sa mga motorista, mas mabuting iwasan na lang ang mga nabanggit para hindi maabala sa biyahe.

vuukle comment

METROPO­LITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ROAD RE-BLOCKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with