Guidelines para sa taxi modernization inilabas
MANILA, Philippines — Inilabas na ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) ang guidelines para sa taxi modernization sa bansa.
Kabilang sa nakasaad sa naturang amended guidelines ang pagkakaloob ng regular salary at mga benepisyo ng mga driver nito, updated requirements para sa road worthiness, vehicle reclassification, at libreng internet access para sa kanilang mga pasahero.
Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, ang mga bagong guidelines ay para na rin sa kapakinabangan ng mga commuters at ng mga drivers nito.
Ani Tugade, inilatag nila ang amended guidelines para sa premium taxis upang tumugma sa kampanya ng pamahalaan para sa road safety awareness.
Nabatid na ang mga Premium Taxi service franchises ay inaasahang magbubukas na rin sa mga highly urbanized cities sa labas ng Metro Manila.
Ang DOTr-LTFRB naman ang naatasang mangasiwa ng bilang ng mga Premium Taxi units na papayagang bumiyahe kada rehiyon.
- Latest